Cudia, bigyan ng diploma pero huwag ikomisyon -Solon
MANILA, Philippines - Upang masolusyunan ang problema ng kadeteng si Arvin Jeff Cudia, iminumungkahi ni PaÂngasinan Rep. Leopoldo Bataoil na payagan itong makakuha ng diploma pero huwag ikomisyon sa militar.
Ayon kay Bataoil, dapat payagan ng Philippine Military Academy (PMA) na mabigyan ng diploma na makapagtapos ang kadeteng si Cudia kahit pa hindi na ito nakahabol sa graduation kamakalawa.
Ngunit hindi dapat ikomisyon sa sandatahang lakas si Cudia matapos mapatunayang lumabag sa honor code.
Iginiit pa ng kongresista na isa rin graduate sa PMA at dating opisyal ng PNP, na ito ang maaaÂring maging compromise sa kaso ni Cudia.
Kung hahayaan umano si Cudia na makuha ang diploma nito ay hindi masasayang ang apat na taon nitong pinaghirapan sa akademÂya at makakapagsimula agad ng career kahit hindi na sa militar.
Sa compromise na ito, mapapanindigan din umano ang pagpapahalaga sa honor code na bahagi ng time honored tradition sa PMA at talagang nirerespeto ng mga kadete.
Sinabi pa ni Bataoil, ang honor code ay napaÂkahalaga para sa mga kadete dahil ito ang sukatan ng tatag ng karakter at pundasyon ng kanilang tibay laban sa anumang uri ng tukso.
- Latest