^

Bansa

PMA nilisan na ni Cudia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na mabasura ang apela na makasama sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014, tuluyan nang nilisan ni ex-Cadet Jeff Aldrin Cudia ang nasabing military institusyon.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PMA Spokesperson Major Agnes Lynette Flores  na sinabing bandang alas-10:00 ng gabi kamakalawa ng lisanin na ni Cudia ang holding area nito kasama ang kaniyang mga magulang na sina Renato at Filipina gayundin ang kaniyang abogado.

Sinabi ni  Flores na dumaan sa tamang proseso ang pagkakatanggal ni Cudia kung saan nabigyan din umano ito ng clearance na maaari nitong gamitin sa pagpasok sa ibang paaralan.

“Personal na decision nya yun, he is permitted to go and start a life as a private individual,” ani Flores na iginiit pang pinayuhan ng mga opisyal sa PMA si Cudia na gamitin ang natutunan sa loob ng akademya sa bago nitong karera.

Magugunita na pinili muna ni Cudia na manatili sa loob ng akademya habang hinihintay ang desis­yon ng Pangulong Benigno Aquino III sa kaniyang apela na payagang makasama sa graduation rites kamakalawa.

Pero nabigo ang kampo ni Cudia dahil ibinasura ng Cadet Review and Appeals Board (CRAB) ang kaniyang apela at tuluyang pinatalsik ang kontro­bersyal na kadete na nahaharap sa kasong paglabag sa Honor Code.

Si Cudia na dapat sana’y nagtapos na number 2 at top sa Navy Class sa PMA Siklab Diwa Class 2014 kung hindi ito nasangkot sa paglabag sa Honor Code ng akademya matapos umanong magsinungaling sa pagkahuli nito ng dalawang minuto sa kaniyang klase.

CADET JEFF ALDRIN CUDIA

CADET REVIEW AND APPEALS BOARD

CUDIA

HONOR CODE

NAVY CLASS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SI CUDIA

SIKLAB DIWA CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with