Koreanovela at iba pa gustong ipagbawal ni Atienza
MANILA, Philippines – Kabilang na sa mga palabas sa telebisyon tuwing primetime ang mga Koreanovela at iba pang dayuhang teleserye, ngunit sa ipinanukalang batas sa Kamara ay baka mawala na ang mga ito.
Iminungkahi ni dating Manila Mayor at ngayo’y Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang House Bill 3839 na naglalayon ipagbawal ang pag-ere ng mga dayuhang palabas tuwing primetime o sa gabi sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Sinabi ni Atienza na dapat ay protektahan ng gobyerno ang local entertainment na nagreresulta rin sa pagkakaroon ng karagdagang trabaho.
"Foreign teleseryes have been eating into the prime time schedules of television companies, and thereby push the Philippine-produced shows to unfavorable timeslots," sabi ni Atienza.
"I know that my proposal will cause controversy, but there is need to regulate the entry of foreign teleseryes into primetime programming to promote local creativity and empower Philippine producers to create content and employ more local talents," dagdag niya.
Idiniretso ni Atienza ang kanyang panukala sa House Committee on Public Information.
- Latest