‘No lead’ sa graduation medals, trophies giit sa DepEd
MANILA, Philippines - Umapela ang isang toxic watchdog group sa Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang kanilang ‘no graduation fee collection policy’ at idagdag ang ‘no leaded graduation medals and trophies.’
Ang panawagan ng EcoWaste Coalition ay matapos matuklasan na ilang medalya at tropeo, na una nang sinuri ng grupo ang natuklasang ginagamitan ng mga nakalalasong lead paint.
Ang mga medalya at tropeo ay binili umano ng grupo mula sa mga wholesale at retail stores sa Divisoria at Quiapo, Manila.
Kabilang sa mga nasuri ay 10 generic medals at tatlong basketball at volleyball trophies na pawang may painted designs.
Natuklasang nagtataglay ang 10 generic medals ng mula 5,965 parts per million (ppm) hanggang 39,500 ppm lead na lampas sa 90 ppm threshold limit para sa lead sa pintura habang ang tatlong tropeo naman ay nagtataglay ng 5,458 ppm hanggang 11,500 ppm na lead.
Iginiit g grupo na dapat na tiyakin ng mga school administrator at mga guro na ligtas ang kanilang mga ipinagkakaloob na reward sa kanilang mga pinakamahuhusay na estudyante.
Umapela rin ito sa kanila at maging sa mga medal at trophy donors mula sa public at private sectors na magbigay lamang ng medalya at tropeo na garantisadong walang lead at iba pang nakalalasong kemikal.
Ang lead ay isang toxic chemical na nakakapinsala ng utak, nakapagpapabawas ng katalinuhan, nakakapigil ng development at growth ng isang bata at nagiging sanhi ng problema sa pag-uugali.
- Latest