Utos sa AFP kaso ni Cudia imbestigahan! - PNoy
BAGUIO CITY , Philippines - IpiÂnaubaya na lamang ni PaÂngulong Aquino kay AFP chief of staff Gen. Emmanuel Bautista ang desisyon sa bagong apela ni PMA Cadet 1st Class Aldrin Jeff Cudia matapos itong kausapin ng Commander-in-Chief sa The Mansion kamakalawa ng gabi.
Inatasan ni Pangulong Aquino na muling imbestigahan ang bagong apela ni Cudia makaraan ang halos 2 oras na pakikipag-usap nito sa kadete at kanyang mga magulang sa Mansion kamakalawa ng hapon.
Kasama ni PNoy na humarap sa pakikipag-usap kay Cudia si Defense Sec. Voltaire Gazmin.
“The President and I met with the family of Cdt. 1CL Cudia and heard them out. They had appeals, requests, and also raised some issues. We made sure that they were given the opportunity to air their side,†wika ni Sec. Gazmin.
Sumang-ayon naman si Cudia at magulang nito sa naging pasya ng PaÂngulo na huwag pasamahin ang kadete sa graduation rites kahapon at isapormal ang panibagong apela sa AFP chief.
Gayunman, nilinaw naman ng isang military official na pag-aaralan pa ng AFP ang panibagong apela kung aling investigating body ang hahawak ng kaso.
Alinsunod sa standard operating procedures ng AFP, dalawang investigating team ang maaring humawak, una kung isang indibidwal lamang ang iniÂrereklamo ay pasok ito sa hurisdiksyon ng Provost Marshal.
Samantala kung maÂrami naman ang inireÂreklamo tulad ng isang buong unit ng Philippine Military Academy Honor Committee ay babagsak naman ito sa hurisdiksyon ng Inspector General.
Nabigo si Cudia na mapabilang sa 233 graduating cadets na miyembro ng Siklab-Diwa Class 2014.
Natuklasang lumabag sa honor code si Cudia ng magsinungaling ito sa dahilan ng pagiging late nito ng 2 minuto sa kanyang klase.
Naunang kinatigan ng PMA ang naging resulta ng imbestigasyon ng hoÂnor committee kay Cudia na idismis ito sa academy.
Ang huling baraha na lamang ni Cudia upang makasama pa rin sana sa graduation ay si Pangulong Aquino pero matapos siyang kausapin nito ay ipinasa ang bola sa AFP chief.
Ayon sa source, nanghihinayang si PNoy sa 4 na taong pag-aaral ni Cudia kaya nais sana nitong ibigay pa rin ang diploma nito matapos niyang makumpleto ang kanyang requirements ng OJT.
Pero kahit makatapos si Cudia ay hindi na rin ito ico-commissioned sa AFP kaya hindi ito magiÂging 2nd lieutenant bagkus ay sarhento lamang ang pinakamataas na ranggong makukuha nito.
- Latest