Katiwalian indikasyon na napakayaman ng Pinas
MANILA, Philippines - “Talagang napakayaman ng Pilipinas.â€
Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, nakikita ang yaman ng bansa dahil sa iba’t ibang kaso ng katiwalian na bilyong-bilyong piso ang halaga na sinasabing nakukurakot ng mga opisyal ng gobyerno.
Nalulungkot ang arsobispo dahil sa mga uri ng mga opisyal na inihalal ng taongbayan na walang ibang iniisip kundi ang sarili at hindi ang serbisyo-publiko na pangunahin nilang responsibilidad sa mamamayan.
Natitiyak ni Archbishop Cruz na walang maghihirap na mamamayan sa Pilipinas kung naiibigay lamang ng gobyerno sa tunay na mga benepisyaryo.
Dagdag ni Archbishop Cruz, hindi pa isinisilang ang isang sanggol ay nagbabayad na ito ng buwis hanggang sa natural na pagkamatay sa kanyang katandaan kayat hindi biro ang pondo ng gobyerno na kung ibibigay lamang sa tunay na benepisyaryo ay walang maghihirap.
Reaksyon ito ng arsobispo kaugnay ng P10 billion pork barrel fund scam at ang P6.6 billion housing loans scam na kinasasangkutan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at iba pang mga katiwalian na unti-unti ng natutuklasan.
- Latest