Gov’t pinakikilos sa overprice rice import
MANILA, Philippines - Dapat na agad kumilos ang gobyerno upang maparusahan ang mga nasa likod ng rice overpricing sa mga ini-import na bigas sa bansa.
Ayon kay Anakpawis partylist Rep. Fernando Hicap dapat imbestigahan ng Kamara ang naturang isyu dahil ipinapasa ang mataas na presyo ng bigas sa mga consumers na posibleng magdulot ng malaÂlang food inflation.
Sabi pa nito na dahil sa planong pag-iimport ng bansa sa Vietnam ng 1million metric tons na bigas ay aabot naman sa halos 1 bilyong piso ang overprice kung saan ngayon pa lang ay nasa P3 ang idinagdag sa presyo sa National Capital Region.
Bukod sa overprice na rice imports at samu’t saring patong ay ibinebenta ng NFA ang kanilang bigas sa halagang P25 pero nasa P19-20 lamang dapat ang presyo.
Ang nakakapanghina pa umano ay magiging mahigpit na kakumpitensya ng mga local farmers ang ibebentang imported na bigas sa merkado lalo’t inaasahan na darating ang imported rice sa buwan ng Abril-Mayo na harvest season naman sa bansa.
- Latest