^

Bansa

Permit ng Mt. Province Cable Tours kinansela ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang permit ng 10 bus ng Mt. Province Cable Tours matapos mapatunayang nagkasala sa franchise rules matapos mahulog ang isang unit ng bus nito sa bangin sa Mt Province na kalaunan ay sinasabing pagmamay ari ng G.V. Florida Transport Inc.

Sa aksidenteng ito,15 ang namatay at 32 ang nasugatan.

Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na pinatawan naman ng 6 na buwang suspension ang Florida bus na may 188 authorized units.  

Binigyang diin ni Ginez na bagamat kinokonsidera ng board ang kalagayan ng mga apektadong empleyado ng Florida bus, kailangan naman nitong parusahan ang naturang kumpanya at ipahinto ng 6 na buwan ang operasyon nito dahil sa nabanggit na aksidente.

Ang 6 month suspension ay epektibo March 11, 2013, ang araw na paso na ang 30 days suspension dito kaugnay ng naganap na aksidente.

BINIGYANG

BUS

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

FLORIDA TRANSPORT INC

GINEZ

KAUGNAY

KINANSELA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MT PROVINCE

MT. PROVINCE CABLE TOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with