^

Bansa

Pulitika sa Pangasinan uminit na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang sumambulat ang labanan sa pulitika sa Pangasinan matapos mag-deklara si Mark Cojuangco na tatakbo siya para pagka-gobernador ng lalawigan sa 2016.

Ikinagulat umano ni incumbent Gob. Amado Espino na napipisil sanang tumakbo ang kanyang anak na nakaupong Provincial Board Member na si Pogi Espino. Maging si Cong. Leopoldo Bataoil, House representative ng 2nd District ng nasabing lalawigan.

Ginawa ni Cojuangco ang deklarasyon pagkatapos ng State of the Provincial Address ni Gob. Espino.

Lumutang naman ang pangalan ni  Rep. Rosemarie “Baby” Arenas ng 3rd District na ikinumpara pa kay Princess Urduja dahil sa kanyang leadership qualities.

Maging ang dating gobernador ng lalawigan na si Victor Agbayani, dating alkalde na si Nani Braganza at dating PNP director na si Arturo Lomibao ay napabalitang nakaumang din para sa gubernatorial post ng lalawigan.

Ang bise gobernador ng lalawigan na si Jose Ferdinand Calimlim Jr. ay namamataan ding maaa­ring tumakbo sa pagka-gobernador.

Nagpalabas naman ng advertisement ang kampo ni Gob. Espino sa mga lokal na pahayagan na nagsasaad ng “Trabaho Muna, Huwag Muna Pulitika”.

 

vuukle comment

AMADO ESPINO

ARTURO LOMIBAO

HUWAG MUNA PULITIKA

JOSE FERDINAND CALIMLIM JR.

LEOPOLDO BATAOIL

MARK COJUANGCO

NANI BRAGANZA

POGI ESPINO

PRINCESS URDUJA

PROVINCIAL BOARD MEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with