Belmonte pumirma sa Chacha ‘pledge’
MANILA, Philippines - Lumagda na si House Speaker Feliciano Belmonte sa pledge kontra sa anumang political amendments sa isinusulong nitong Charter change o Chacha.
Ito ay bilang patunay umano na malinis ang hangarin ni Belmonte sa pagsusulong ng House resolution no.1 kung saan tanging ng economic provisions lamang ang sisingitan ng “unless otherwise provided by law.â€
Ang isang pahinang Pledge to the Filipino People ay pinasimulan ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza at nilagdaan ito ni Belmonte sa huling araw ng sesyon para sa lenten break ng Kongreso.
Nakasaad dito ang paÂngako na limitado lamang sa economic provisions ang kanilang aamyendaÂhan sa ginagawang Chacha at hindi idadamay ang mga probisyong pulitikal.
Itinatakda rin sa pinirÂmahan ng Speaker ang pangako na handa silang masibak bilang kongresista sakaling malabag nila ang pledge.
Pumirma na rin sa naturang pledge ang pitong miyembro ng independent minority bloc samantalang mula naman sa mayorya ay sina Cebu Rep. Gwen Garcia at Belmonte.
- Latest