Arrest warrant kay Lee valid - SC
MANILA, Philippines - May bisa ang arrrest warrant na inilabas ng Pampanga Regional Trial Court branch 42 laban kay Globe AsiaÂtique President Delfin Lee kaugnay sa kasong syndicated estafa.
Ito’y matapos na magÂlabas ng Temporary Restraing Order ang Supreme Court laban sa pagbasura ng Court of Appeals sa arrest warrant na inisyu ng Pampanga Court kay Lee alinsunod sa petisyon ng Department of Justice.
Ayon kay SC-Public Information Office Chief Theodore Te, nagpalabas ng indefinite TRO ang Third Division laban sa desisyon ng CA.
Nangangahulugan ito na valid o may bisa pa rin ang arrest warrant kay Lee at maituturing na legal ang pag-aresto sa kanya ng Philippine National Police (PNP) Task Force Tugis.
Nag-ugat ang petisyon nang ibasura ng CA ang inilabas na warrant of arrest ng korte sa Pampanga na naging dahilan din ng “delisting†ni Lee sa talaan ng mga may arrest warrant ng PNP-CIDG.
Una nang naglabas ng TRO ang SC 2nd Division laban naman sa pagpigil sa pagdinig ng DOJ sa 2nd, 3rd at 4th complaint ng estafa laban kay Lee.
Ayaw namang magbigay ng reaksyon ang abogado ni Lee na si Atty. Willy Rivera.
Si Lee na founder at president ng Globe AsiaÂtique Realty Holdings Corp., ay nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil umano sa panloloko sa gobyerno ng P6.6 billion sa housing loan sa Pag-Ibig Fund gamit ang ghost borrowers at pekeng mga dokumento.
Tumagal ng halos daÂlawang oras ang pagdinig ng CA Special First Division sa petition for writ of habeas corpus at supplemental petition ni Lee.
Matatandaang ipinaÂwalang-bisa ng CA ang arrest warrant kasabay ng pag-abswelto kay Lee sa kasong syndicated estafa noong Nobyembre 2013.
Una nang pinanghawakan ng kampo ng negosyante ang desisyon ng CA at iginiit pang may dokumento silang makapagpapatunay na abswelto na ito sa kaso.
- Latest