^

Bansa

‘Habeas’ kay Lee aprub sa CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaboran ng Court of Appeals ang petition for writ of habeas corpus na isinampa ng negosyanteng si Delfin Lee, may-ari ng kontrobersiyal na Globe Asiatique na sinasabing sangkot sa multi-billion peso ghost loans sa Pag-IBIG Fund.

Batay sa desisyon ng Court of Appeals First Division, inatasan nito ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na dalhin at pahara­pin sa appellate court si Lee ngayong alas-10 ng umaga.

Layunin ng ipina­labas na writ ng CA na pag­paliwanagin ang mga umaresto kay Lee at ang may kustodiya sa kanya kaugnay ng lega­lidad ng pagbilanggo sa res­pondent.

Nabatid na sa ilalim ng Revised Rules of Court, ang “writ of habeas corpus” ay ipinalalabas ng hukuman sa mga kaso ng illegal confinement o illegal detention.

Si Lee ay nakakulong ngayon sa Pampanga jail mula sa NBI-Pampanga detention cell.

Sa inihaing petisyon ng abugado ni Lee sa Court of Appeals kahapon, hiniling nito na pakawalan na ang kontrobersyal na negosyate.

Ilegal umano ang pag-aresto kay Lee dahil ini­utos na ng CA ang pagbawi sa warrant of arrest na ipina­labas ng hukuman sa Pampanga laban sa kanya.

Noon lamang Lunes, March 10, 2014 naghain ng petition sa CA si Lee at nang i-raffle ay napunta kay Associate Justice Manuel Barrios ng CA First Division.

Samantala, walang ipinalabas na kautusan ang DILG para tanggalin sa top 5 ng most wanted high profile fugitive sa bansa si Lee.

Nilinaw ito ni Sec. Mar Roxas kaugnay ng iginigiit ng abogado ni Lee na wala ng bisa ang warrant of arest laban sa kanyang kliyente dahil tinanggal na ito sa most wanted list.

Sa katunayan ay inaprubahan pa ng DILG ang pagbibigay ng P2 milyong pabuya para sa ikabibilis ng pagkaka­aresto kay Lee.

Sinuman ang nag-utos na alisin ang pa­ngalan ni Lee sa listahan ng mga may warrant of arest ay kailangang sumailalim sa masusing imbestigasyon. (Dagdag ulat nina Joy Cantos at Ricky Tulipat)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE MANUEL BARRIOS

COURT OF APPEALS

COURT OF APPEALS FIRST DIVISION

DELFIN LEE

FIRST DIVISION

GLOBE ASIATIQUE

LEE

PAMPANGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with