Jinggoy may ‘pasabog’ vs testigo ng DOJ sa PDAF scam
MANILA, Philippines - Inihahanda na ni SeÂnator Jose “Jinggoy’†Estrada ang kanyang privilege speech o ‘pasabog’ laban sa mga testigong hawak ng Department of Justice tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam kung saan isinasangkot ang senador.
Pero kung matatapos kaagad ni Estrada ang inihahandang talumpati posibleng ngayong araw na ito (Martes) niya isagawa ang kanyang privilege speech.
Partikular na tatamaan sa speech ni Estrada ang dating opisyal ng Technology Resource Center (TRC) na si Dennis Cunanan.
Maging si Senator Ramon “Bong Revilla umano ay naghahanda na rin ng privilege speech pero hindi umano alam ni Estrada kung tungkol saan ito.
Inihayag din ni Estrada wala na siyang balak na gayahin ang balak na paghahain ng “perjury case†ni Revilla laban kay Cunanan lalo pa’t nakaka-kontra ang pahayag nito at ng isa pang testigong si Benhur Luy.
Matatandaan na sa nakaraang hearing sa Senado sinabi ni Cunanan na wala siyang natanggap na kickback sa pork barrel funds pero sinabi ni Luy na binigyan ito ng salapi ng itinuturong utak ng scam na si Janel Lim-Napoles.
Ayon kay Estrada sa mismong hearing ng komite ay nakita ang pagkasira ng mga nag-aakusa sa kaniya. Naniniwala rin ang senador na bahagi ng 2016 presidential elections ang ginagawang pagdidiin sa kanya sa pork barrel fund scam.
- Latest