^

Bansa

Revilla tatakbong pres. sa 2016

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng kampo ni Sen. Ramon Revilla Jr. na tuloy ang pagtakbo nito sa 2016 presidential elections dahil idinadawit ito sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Ayon kay Atty. Joel Bodegon, kumpirmado na ang pagtakbo ni Revilla sa pagka-pangulo dahil lalo pang nagiging matunog ang pangalan ng mambabatas.

Naniniwala umano ang kanilang kampo na nabigo ang mga kritiko ni Sen. Revilla na gibain ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapalutang kay TRC head Dennis Cunanan.

Mistula umanong bumalik lang sa mukha ng mga nag-aakusa ang mga pahayag ni Cunanan dahil kinokontra ito mismo ng iba pang testigo.

Sa ngayon, wala pa umanong napipisil na bise presidente ang kampo ni Revilla pero matunog ang tambalang “Bong-Bong Bong” na ang tinutukoy na runningmate ay si Sen. Bong Bong Marcos.

Lilinawin din ni Revilla sa pamamagitan ng privilege speech sa linggong ito ang mga paratang sa kanya ni Dennis Cunanan ng dumalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Bukod kay Revilla ay nagpahayag na rin ng kagustuhang tumakbong pangulo sina Sen. Alan Peter Cayetano at Vice-President Jejomar Binay.

 

ALAN PETER CAYETANO

AYON

BONG BONG MARCOS

BONG-BONG BONG

BUKOD

DENNIS CUNANAN

JOEL BODEGON

RAMON REVILLA JR.

REVILLA

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with