Loose firearms lolobo sa centralization ng gun renewal
MANILA, Philippines - Nangangamba ang Senado na maging sanhi ng paglobo ng loose firearms sa bansa ang ginawang kautusan ni PNP chief Alan Purisima na i-centralize ang firearms renewal sa Camp Crame na umani ng pagbatikos sa iba’t ibang gun clubs sa buong bansa.
Sinabi ni Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public order and dangerous drugs, lalong magpapahirap sa mga gun owners ang bagong kautusang ito ni Purisima kung saan ay personal na pupunta sa Crame ang gun owners kahit galing Mindanao para sa renewal ng lisensiya ng kanyang baril.
May naaamoy ding anomalya si Sen. Vicente Sotto III dahil sa nakopo lamang ng isang courier ang kontrata sa pagdedeliver ng license cards ng mga gun owners sa buong bansa.
Wika pa ni Sotto, “kailangang tignan sa batas kung allowed yang centralization na yan. Kung wala, puwedeng kwestyunin ng Kongreso yan.â€
Ayon pa sa mga mambabatas baka tamarin na ang mga gun owners na iparenew ang lisensiya ng kanilang baril lalo kung galing sila sa malayong probinsiya.
Sabi naman ni Atty. Rod Moreno ng Gun Owners Against Congressional Tyranny, sobrang mahal ang hinihinging delivery fee ng Werfast Documentary Agency na P190 para sa Metro Manila at P290 para sa mga lalawigan para sa delivery ng gun license.
Nakopo ng Werfast ang 5-year contract pero puwede umanong ma-revoke ito ayon kay Atty. Moreno kapag napatunaÂyang hindi naman sila ang magde-deliver ng card kundi kukuha lamang ng isa pang courier firm.
Si PNP directorate for plans chief Napoleon Estilles ang lumagda sa kontrata sa Werfast noong May 2011.
Nauna rito, ipinasara ni Purisima ang lahat ng satellite offices ng Civil Security Group (CSG) sa buong bansa na siyang nagpoproseso ng lisensiya ng mga baril sa mga rehiyon at lalawigan.
Ipinagtanggol naman kahapon ng Malacañang ang “centralization†sa pagbibigay ng lisensiya ng baril sa bansa.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kinakailangan ang nasabing hakbang upang tuluyang malinis ang listahan ng mga reÂhistradong baril na nasa kabuuang 1.7 milyon.
- Latest