COA duda sa Bulacan Education Fund
MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng isang anti-graft crusader ang nasa P10,850,351 mula sa Special Education Fund na ginastos ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan noong 2012 na umano ay hindi pinahihintulutan ng batas na naglikha sa naturang pondo.
Paliwanag ni Antonio Manganti, anti-graft crusader, ang SEF ay nalikha sa bisa ng Republic Act 5447 na naisabatas noon pang pang 1968.
“Malinaw na isinaad ng RA 5447 na ang SEF ay maaari lamang gastusin sa mga pangangailangan ng public school system o mga gawain at aktibidad na pinahintulutan ng mga school board.
“Walang anumang bahagi ng RA 5447 ang nagsaÂsaad na maaaring gastusin ang SEF sa anumang donasyon anuman ang dahilan nito,†ayon kay Manganti.
Subalit noong 2012, ayon sa COA report, sinabi ni Manganti na nabigyan ng hindi otorisadong donasyon ang ilang pribadong mamamayan o mga samahan ng mga ito, mga pamahalaang local, mga non-government agencies at non-government organizations (NGOs) at mga samahan ng mga pribadong indibidwal o people’s organizations.
Ayon sa COA report, ang mga samahan ng mga pribadong indibidwal at mga NGOs na nabigyan ng hindi otorisadong donasyon ay wala ring accreditation o hindi kinikilala ng Sangguniang Panlalawigan na ipinagbabawal ng Section 36 ng RA 5447.
Sa ilalim umano ng Section 305 ng RA 7160 o Local Government Code, walang anumang salapi mula sa kaban ng lokal na pamahalaan ang maaaring gastusin kung hindi rin lamang ito pagsunod sa isang ordinansa.
Nakasaad din na ang pondo ng lokal na pamahalaan ay maaari lamang gastusin para sa serbisyo publiko para sa higit na nakararami.
- Latest