^

Bansa

Salary loans puwede nang matanggap sa prepaid cards

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May option na ngayon ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na matanggap ang kanilang sa­lary loans sa pamamagitan ng Citi Visa Prepaid cards para mas mabilis at kumbiniente sa mga miembro.

Ayon kay SSS Vice President and Officer-in-Charge of Lending and Asset Management Division May Cathe­rine Ciriaco, maaari na ngayong maipalabas ng SSS Citi Visa Prepaid Card sa mga miembro na nag-aplay ng salary loans sa SSS branches sa Diliman, Quezon City at Buendia, Makati City na may pinaka maraming volume ng salary loan applications.

Ngayon ay magkatuwang na ang SSS at Citi Philippines and Visa sa pagkakaloob ng benepisyo sa mga miembro upang maiwasan ang delay ng transaksiyon, pagkawala ng salary loan check at fraud.

Ang SSS Citi Visa Prepaid Card ay tinatanggap sa mahigit 15,000 automated teller machines (ATMs) at mahigit 200,000 Visa partner merchants sa Pilipinas.

Ang mga interesadong miyembro sa serbisyong ito ay maaaring mag-file ng kanilang salary loan application sa SSS Diliman o SSS Makati-Buendia at kapag naaprubahan na ang loan ang miembro ay kailangang mag-submit ng kanilang SSS Citi Visa Prepaid Card Application Form at isang photocopy ng isa sa kanilang government-issued ID sa alinmang Citibank lane sa kaparehong branches.

 â€œThe card will be valid for three years from the date of issuance. It is also reloadable, so members renewing their salary loans can get their new loan proceeds using the same prepaid card, as long as it is within the card’s validity period,” dagdag ni Ciriaco.

CIRIACO

CITI PHILIPPINES AND VISA

CITI VISA PREPAID

CITI VISA PREPAID CARD

CITI VISA PREPAID CARD APPLICATION FORM

DILIMAN

MAKATI CITY

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with