Alert level 2 itinaas sa Venezuela
MANILA, Philippines - Itinaas na kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level para sa lahat ng mga Pinoy sa VeneÂzuela upang matiyak ang kanilang seguridad at kaligtasan.
Inilagay na sa alert level 2 (restriction phase) mula sa alert level 1 (precautionary phase) ang sitwasyon sa Venezuela dahil sa pagtaas ng banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pinoy mula sa tumitinding karahasan o external threat.
Pinapayuhan ni DFA Sec. Albert del Rosario ang may mahigit 100 Pinoy sa Venezuela na limitahan ang kanilang mga galaw, umiwas sa pampublikong lugar lalo na sa mga pinagdadausan ng magulong pagkilos o demonstrasyon at maghanda sa posibleng evacuation o paglilikas.
Sa ilalim ng alert level 2, pinapayagan lamang ng DOLE ang mga OFWS na may kasalukuyang kontrata o nagbabalik na manggagawa na makabalik sa nasabing bansa.
Nagpadala na ang Embahada ng kanilang consular officer sa Caracas upang magbigay ng ground assessment at makipag-koordinasyon sa Philippine Consular General sa Venezuela na asistihan ang tinatayang 104 Pinoy sa nasabing bansa.
Nagsimula ang mainitang kilos-protesta sa Caracas at iba’t ibang panig ng Venezuela noong nakalipas na buwan.
Hinihiling ng mga raÂlista na bumaba sa puwesto si President Nicolas Maduro.
Kabilang sa mga demand ng mga ralista na pakawalan ang mga estudyanteng ikinulong habang ang mga Venezuelan journalists ay nagpoprotesta para ipanawagan na magkaroon sila ng mas matinding kalayaan sa pamamahayag.
- Latest