^

Bansa

BIR sinugod ng mga doktor, guro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinugod ng mga doktor at guro ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa BIR road, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa kanilang protesta, binigyang diin ng mga doktor na isang pambu-bully sa kanila ang ginawa ni BIR Commissioner Kim Henares dahil sa bagong advertisement ng kagawaran na patama sa kanilang hanay.

Ayon kay Dr. Beng Reyes ng Health Alliance for Democracy (HEAD), malakas ang loob ni Henares na lapastanganin ang kanilang hanay dahil tao ito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Galit anya ang mga doktor sa ginawa ng BIR sa shame campaign nito dahil nilalahat nito ang mga doctor sa ads na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan,

Binigyang diin ni Reyes na mga public servant sila at hindi pasanin ng pamahalaan.

Nakilahok sa naturang protesta ang ilang guro sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers o ACT.

 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

AYON

BINIGYANG

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DR. BENG REYES

GALIT

HEALTH ALLIANCE

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with