^

Bansa

Delfin Lee kinalaboso na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso na ngayon sa detention cell ng National Bureau of Investigation-Pampanga ang puganteng negosyante na si Delfin Lee kaugnay ng pagkakasangkot nito sa P6.6 bilyong Globe Asiatique housing scam.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP Public Information Office, ito’y matapos na mag-isyu ng ‘commitment order’ si Regional Trial Court Branch 42 Executive Judge Edgar Chua ng San Fernando City, Pampanga na nag-uutos  na isailalim sa kustodiya ng NBI Central Luzon Regional Office sa San Fernando City si Lee.

“The accused has been ordered detained at NBI regional office in San Fernando City as a consequence of the return of the warrant of arrest which was duly acknowledged by the court,” pahayag ni Sindac .

Si Lee at apat na iba pa ay nahaharap sa kasong syndicated estafa kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte kaugnay ng ano­malya sa housing project nito sa Bacolor at Mabalacat na pawang mga bayan ng Pampanga.

Naaresto sa bisinidad ng Hyatt Hotel sa Malate, Maynila si Lee nitong Huwebes na agad dinala dakong alas-7 ng gabi sa Camp Crame kung saan kinunan ito ng mugshot, fingerprint at isinailalim sa medical check-up.

Sinabi naman ni Atty. Gilbert Repizo, legal counsel ni Lee na umapela sila sa korte na sa NBI Central Luzon Regional Office ito ikostudiya dahilan umano sa mga banta sa buhay ng kaniyang kliyente.

Kahapon ng umaga ay ibiniyahe at ineskortan ng PNP operatives si Lee patungo sa detention facility ng NBI-Pampanga.

Nabatid na isang bungalow-type house na may dalawang detention cell sa Capitol Compound ng NBI Regional Office ang pinagkulu­ngan kay Lee. Itinakda naman ng korte ang pre-trial at arraignment sa kaso nito dakong alas-9 ng umaga sa Marso 10.

Sinabi naman ni Sr. Supt. Conrad Capa, hepe ng Task Force Tugis na simula pa noong Agosto 2013 ay puspusan na ang kanilang pagtugis kay Lee hanggang sa makatanggap sila ng impormasyon kamakalawa na magtutungo ito sa Hyatt Hotel.

Nanindigan naman si Sindac na lehitimo ang isinagawang operasyon ng PNP Task Force Tugis para dakpin si Lee. Ito’y sa harap ng pag-alma at pagkuwestiyon ni Atty. Gilbert Repiso, abogado ni Lee, sa legalidad ng pagdakip sa kaniyang kliyente dahil ibinasura na ng Court of Appeals ang asuntong syndicated estafa laban kay Lee.

Iginiit naman ni Justice Secretary Leila de Lima na may bisa ang warrant of arrest laban kay Lee dahil hindi pa pinal ang desisyon ng CA at kanila itong inapela.

Samantala, instant millionaire ang tipster ni Lee na tatanggap ng P2 milyong reward matapos bumagsak na sa batas ang isa sa top 5 most fugitive sa bansa.

CAMP CRAME

CAPITOL COMPOUND

CENTRAL LUZON REGIONAL OFFICE

CHIEF SUPT

HYATT HOTEL

LEE

PAMPANGA

SAN FERNANDO CITY

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with