^

Bansa

Pagbenta ng lote ng gov’t pinasisiyasat

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si ABAKADA Rep. Jonathan dela Cruz ng isang agarang imbestigasyon sa naging conversion at kinalauna’y pagbebenta ng 50 ektaryang lupain ng gobyerno sa National Government Center (NGC) o mas kilala bilang North Triangle sa Quezon City.

Sinabi ni dela Cruz na dapat ipaliwanag ng National Housing Authority (NHA) na siyang administrador ng NGC ang naturang transaksyon.

Sa isang House resolution, sinabi ni dela Cruz na ang NGC ay itinalaga ng pambansang pamahalaan bilang paglilipatan ng mga tanggapan ng gobyerno upang mapagbuti ng mga ito ang paglilingkod sa sambayanan.

Ang NGC ay nasa North Ave, Elliptical Road, Quezon Ave. at EDSA.  Kabilang sa mga tanggapang matatagpuan doon ang Occupational Health and Safety Administration (OHSA), Children’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institute.

Idiniin ni dela Cruz na dapat nasiyasat ang bentahan upang matiyak na wala itong nalabag na batas at hindi maaagrabyado ang pamahalaan lalo na ang taumbayan, sa magiging bunga nito. 

 

CRUZ

ELLIPTICAL ROAD

MEDICAL CENTER

NATIONAL GOVERNMENT CENTER

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

NORTH AVE

NORTH TRIANGLE

OCCUPATIONAL HEALTH AND SAFETY ADMINISTRATION

QUEZON AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with