^

Bansa

City engineer kinastigo ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon ang city engineer at building official ng Dagupan City dahil sa umano’y hindi pagkilos sa application ng AMB. ALC Holdings & Management Corporation para sa building permit noon pang Marso 22, 2013.

Naunang nasampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Grave Misconduct and Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service si Engr. Ma. Virginia V. Rosario sa Ombudsman.

Ikinatwiran ng naturang kumpanya na naisumite naman nila ang lahat ng requirement sa nabayaran ang building fee para sa renobasyon sanang isasagawa sa isang gusali na nakatayo sa isang property na binubuo ng apat na lote na nasa Zamora/Galvan Sts., Brgy. IV, Dagupan City na pawang mga rehistradong pag-mamay-ari ng nasabing kumpanya. Ang nasabing property ay aabot ng 5,113 square meters.

Nakatayo naman sa naturang lote ang walong palapag na gusaling Mc Adore International Palace na binili ng AMB ALC mula sa City Government ng Dagupan sa isang public “sealed bid” auction noong Enero 07, 2013 kung saan nanalo ang AMB ALC. Ang Deed of Absolute Sale ay ipinalabas noong Enero 22, 2013 na nilagdaan ni Dagupan City Mayor Benjamin Lim sa panig ng lokal na pamahalaan. Ang nasabing bilihan ay awtorisado ng 2 Sangguniang Panlungsod Resolutions.

Ayon sa complaint-affidavit ni Benjamin V. Ramos, kumakatawan sa AMB ALC, maliwanag umano na si Rosario ay lumabag sa Section 3, paragraph (a) ng Republic Act 3019, o mas lalong kilala sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.

Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, abugado ng ALC AMB, sa kabila ng pagiging kumpleto ng mga requirement ng kumpanya ay pinaikot-ikot lamang ito ng tanggapan ni Rosario at pagdating sa bandang huli ay hindi rin inaprubahan ang building permit ng kanyang kliyente.

 

ANG DEED OF ABSOLUTE SALE

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

AYON

BENJAMIN V

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CITY GOVERNMENT

CONDUCT GROSSLY PREJUDICIAL

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY MAYOR BENJAMIN LIM

ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with