^

Bansa

Taguig LANI scholar no. 1 sa Electrical Eng’g board exam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang iskolar ng P400-milyon LANI Scholarship Program ang nagbigay karangalan sa Taguig nang manguna ito sa ginanap na 2014 Electrical Engineering Board Examination nitong nakaraang buwan.

 Si Pol John Amargo Cruz, na nagtapos sa Mapua Institute of Technology (MIT) sa Maynila, ay nanguna sa 574 na pumasa sa buong bansa at nakapagtala ng 88.45% na iskor. Umabot sa 1,648 ang kumuha ng naturang  board exam na ibinigay ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Pebrero.

Ipinagmalaki ni Mayor Lani Cayetano si Pol John at sinabing isa ito sa mga “nakakataba ng pusong pangyayari dahil napapatunayan nating maganda ang resulta ng paglalaan ng malaking pondo sa edukasyon.”

 Si Cruz na isang full scholar ng LANI program ay pumangatlo sa kanilang klase sa Taguig Science High School noong 2009 bago pa inilunsad ang LANI Scholarship Program.

 Dahil dito,  siya ay nakapasok bilang isang full scholar noong 2011.

 Bukod kay Cruz, dalawang LANI Review scho­lar  mula sa Technological University of the Philippines- Taguig na sina Alvin C. Orolfo at Mark David Meneses, ang pumasa rin sa nasabing board exam.

 

ALVIN C

ELECTRICAL ENGINEERING BOARD EXAMINATION

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARK DAVID MENESES

MAYOR LANI CAYETANO

POL JOHN

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SCHOLARSHIP PROGRAM

SI CRUZ

SI POL JOHN AMARGO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with