Albay handa na sa Daragang Magayon Festival 2014
LEGAZPI CITY, Philippines - – Handang-handa na ang Albay para sa pagtatanghal ng buong buwang 2014 Daragang Magayon Festival, na magsisimula sa huling linggo nitong Marso.
Inspirado ang Albay sa mga tagumpay nito sa larangan ng turismo nitong nakaraang mga buwan, at inaasahang lalong maraming foreign tourists ang dadagsa sa lalawigan ngayon taon.
Masiglang pinasimulan ng Albay ang 2014 sa pamamagitan ng pasinaya nito ng Albay International Gateway (AIG) nitong Enero. Diretsong iniuugnay na nito ang Legazpi City sa pamaÂmagitan ng direct flights sa pangunahing mga lungsod ng China, Korea at Taiwan. Mahigit na 350 Chinese tourists, lulan ng dalawang chartered flights ang bumisita na sa Albay.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang Daragang Magayon Festival ay nasa world-class antas na, kaya tuluy-tuloy na rin ang daloy ng maraming foreign tourists sa lalawigan.Itinuturing na higante ng turismo na ang Albay sa Luzon na lalo pang bibilis ang pagsulong ng ekonomiya niya gaya ng ipinahihiwatig nag kampanya nitong “Albay BOOM.â€
Ang Daragang Magayon Festival ay daÂting kilala sa pangalang Magayon Festival, isa sa limang pangunaÂhing pista sa bansa. Ang paÂngalan nito ay hango sa alamat ng Mayon Volcano. Ang ibig sabihin ng Daragang Magayon ay Magandang Dalaga.
Nataas sa world-class na antas ang Daragang Magayon Festival nang gawing tampok ito sa Internationale Tourismus-Börse (ITB)- Berlin, isang kumbensiyon ng pandaigdigang trade and tourism stakeholders.
Ngayong taon, ayon kay Salceda, higit na exciting events ang itatampok ng festival.
- Latest