^

Bansa

600 Pinoy namamatay kada taon sa rabies

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihikayat ni Bulacan Rep. Gavini Pancho ang mga pharmaceutical companies sa bansa na gumawa at magbenta ng special single packaging ng bakuna laban sa rabbies.

Ang panawagan ay bunsod sa umaabot na sa 600 kada taon ang namamatay dahil sa rabies at pinangangambahan pa itong lumobo kapag hindi kumilos ang gobyerno upang masolusyunan ito.

Sa ilalim ng panukala, pinahihintulutan ang Department of Health (DOH) na makipagtransaksyon sa mga pharmaceutical companies para lumikha ng rabies vaccine na ibebenta sa bawa’t pasyente sa lahat ng government hospitals.

Ito ay dahil sa kasalukuyan, ayon kay Pancho ang mga ospital ng gobyerno ay nagkakaloob ng libreng bakuna sa tatlong pasyenteng kinagat ng aso o anumang uri ng hayop.

Subalit hindi umano tamang maghintay pa ng dalawa pang makakagat na pasyente bago bigyan ng bakuna ang isang pasyente.

“The problem lies in access to the vaccine particularly with the poor people because the cost acquiring vaccination shots is extremely high even for the financial capacity of minimum wage earners,” ayon pa kay Pancho.

May hinala ang kongresista na mali ang  sistema kaya’t panlima ang Pilipinas sa talaan ng World Health Organization (WHO) pagdating sa may maraming kaso ng tinatamaan ng rabies.

 

BULACAN REP

DEPARTMENT OF HEALTH

GAVINI PANCHO

HINIHIKAYAT

PANCHO

PILIPINAS

SUBALIT

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with