Depensa sa South China Sea 2.3 M sundalo isasabak ng China
MANILA, Philippines - Nakahanda umanong isabak ng China ang kanilang 2.3 milyong miyembro ng People’s Liberation Army bilang depensa sa mga “provocative action†ng ibang mga bansa na nagtatangkang pumasok o manggulo sa kanilang teritoryo.
Sa report ng AP, tahasang ipinagmalaki ni LeÂgislative spokesman Fu Ying na kapag may mga bansang magtatangka na hamunin o puminsala sa kanilang bansa ay handa ang kanilang hukbo na isabak para sa depensa.
“But if some countries wish to provoke or wish to damage ... regional peace and the regional order, then we must make a response, and an effective response at that,†ani Fu matapos ang legislature annual session sa China.
Ipinaliwanag ni Fu na ang ganitong pag-responde ng China ay upang imantine ang kanilang teritoryo, soberenya at panatilihin umano ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang rehiyon.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na sinusuportahan ng China ang anumang negosasyon para sa anumang dispute o sigalot at ang kahandaan ng kanilang mga sundalo ay para lamang sa hangaring dumipensa sa anumang probokasyon.
Wala pang komento ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing pahayag bagaman nananatili ang paninindigan ng Pilipinas na resolbahin ang territorial dispute sa pagitan ng China sa diplomatikong pamamaraan kung saan naghain ang pamahalaan ng kaso laban sa China sa arbitral tribunal sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea upang matiyak na ang 9-line claim ng China sa South China Sea kung saan nasakop na rin nito ang 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas ay invalid.
- Latest