Ruby Tuason sumibat
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis ng bansa ang provisional witness sa pork barrel scam na si Ruby Tuason.
Ayon kay Immigration spokesperson Maan Pedro, si Tuason ay umalis ng Pilipinas noong Linggo, Marso 2 sakay ng Cathay Pacific patungong Hong Kong.
Noong February 7, 2014 dumating si Tuason sa Pilipinas mula sa Amerika makaraang siya ay magpahayag ng kahandaan na isiwalat ang kanyang nalalaman sa pork barrel scam.
Parehong nadadawit si Tuason sa kaso ng pork barrel at Malampaya Fund scam.
Nagpaalala naman si Justice Secretary Leila de Lima sa BI na hindi dapat isinisiwalat ang detalye ng kinaroroonan ng isang indibidwal na nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).
Aniya, dapat isaalang-alang ang confidentiality rule ng WPP at bilang pagkunsidera sa seguridad ng testigo.
Batay umano sa return ticket ni Tuason, inaasahang siya ay babalik sa bansa sa Abril 5, 2013.
Si Tuason ay kasama sa Lookout Bulletin Order na inilabas ng DOJ noong Setyembre 2013 dahil kasama siya sa mga nasampahan ng reklamo sa Ombudsman kaugnay sa pork barrel fund scam.
- Latest