Palasyo kay Bong: Pandayin mo nang husto ang kaso mo
MANILA, Philippines – Walang balak sumailalim sa lifestyle check ang Pangulo at ang iba pang opisyal ng gobyerno matapos silang hamunin ni Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., ayon sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na dapat ay pagtuunan na lamang ng pansin ni Revilla ang kanyang kinakaharap na kaso at huwag nang mangdamay ng mga nananahimik.
"Sagutin na lang niya yung issue. Huwag na lang siyang mandamay,†pahayag ni Lacierda ngayong Miyerkules. “Ang maganda siguro, pandayin niya nang husto 'yung kaso niya."
Unang hinamon ni “provisional†state witness Dennis Cunanan si Revilla na sumailalim sa lifestyle check matapos masangkot sa bilyung-bilyong pork barrel scam.
Bilang sagot ni Revilla ay hinamon naman niya si Pangulong Benigno Aquino III at iba pang opisyal ng gobyerno.
Pero sa tingin ni Lacierda ay hindi naman ito kailangan.
"Ano ang relevance ng pag-challenge sa amin?" tanong ng tagapagsalita. "If all of us pass the lifestyle check, will it improve his credibility? It doesn't. It's irrelevant."
Samantala, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na pinapagulo ni Revilla ang totoon isyu ng lipunan.
"Pinapalabo natin ang totoong issue: Ginamit ba ang pera ng taong bayan sa hindi tamang paraan? Involved ba sa anomalya ang mga kasama ko sa Senado?" banggit ni Drilon sa isang panayam sa radyo.
Dagdag niya na bukas naman sa publiko ang kanilang Statement of Assets and Liabilities.
- Latest