1,000% multa sa smugglers
MANILA, Philippines - Dapat patawan ng multang isang libong porÂsiyento ng tunay na halaga ng mga kalakal ang mga smugglers na mahuhuling nagpapasok ng mga kontrabando sa bansa upang madala na ang mga ito sa ilegal na gawain.
Ito ang naging pangunahing rekomendasyon ng grupong Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture, bilang solusyon sa pagbaha ng mga smuggled rice sa bansa na sentro ng isinasagawang imbestigasyon nito.
“SINAG is proposing to increase the penalty/fine to 1000 percent of the value of under-declared amount to be imposed,†bahagi ng position paper na ipinadala ni SINAG lead convenor Rosendo So sa nabanggit na komite.
“Another proposal is that we amend the Tariff and Custom Code, specifically after Section 3602 to include direct and technical smuggling as economic sabotage, with P10 million transaction value,†dagdag na rekomendasÂyon pa ni So kay Villar.
Bukod sa mga ito, iminumungkahi din ng naturang grupo sa Senado na sa apat na piling mga pantalan lamang sa buong bansa idaong ang lahat ng mga inangkat na produktong pagkain upang masinop ang pagpasok ng mga ito.
“All food ang agri proÂducts should only be unloaded in ports of Manila and Subic for Luzon, Cebu in Visayas and Davao In Mindanao,†rekomendasyon pa ng SINAG sa komite ni Villar.
Ang mga nabanggit na rekomendasyon ay naisip umano ng naturang grupo matapos mabatid na nahihirapan pa rin ang gobyerno na masugpo ang smuggling bunga na rin ng matinding katiÂwalian na bumabalot sa mga ahensiyang may responÂsibilidad sa mga ito.
- Latest