^

Bansa

Extradition treaties sa UK, India at Spain pinagtibay ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng Senado ang ratipikasyon ng extradition treaties sa pagitan ng Pilipinas, United Kingdom, India at Spain na nakapaloob sa Senate Resolution No. 535, 536 at 537.

Bagaman at palaging absent sa sesyon, personal na nagtungo kahapon sa Senado si Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairperson ng Senate Committee on Foreign Affairs Committee para isulong ang mga nabanggit na resolusyon.

Ayon kay Santiago, ang mga extradition treaties ang ikinokonsidera pa ring pinaka-epektibong me­kanismo para mapabalik sa bansa ang isang international fugitive o takas sa batas na kriminal na nagtatago sa ibang bansa.

“Extradition treaties are considered to be the most effective mechanism in obtaining the return of international fugitives in order for them to face the consequences of their criminal actions,” pahayag ni Santiago.

Labing-pitong senador ang bumoto ng pabor sa mga resolusyon.

Niratipikahan ni Pangulong Aquino ang extradition treaties sa United Kingdom, India at Spain noong Disyembre 6, 2013.

Ayon kay Santiago, ang Pilipinas ay may panukala o pending extradition negotiations sa 12 pang ibang bansa na kinabibilangan ng Austria, Belgium, Brazil, France, Iran, Israel, Jamaica, Peru, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Venezuela at Vietnam.

AYON

FOREIGN AFFAIRS COMMITTEE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

SENADO

SENATE COMMITTEE

SENATE RESOLUTION NO

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with