^

Bansa

Decriminalization ng libel pinapaboran ng mas maraming senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas maraming senador ang pabor na tanggalin na ang parusang pagkabilanggo sa libel o i-decriminalize ang libel.

Ayon kay Senator Ralph Recto, dumarami ang pabor na tanggalin na ang libel hindi lamang sa online o social networking kundi sa iba bang uri ng media.

Ipinaliwanag ni Recto­ na ang hindi naman maaaring i-repeal o tanggalin ang libel sa anti-cybercrime law pero hindi aalisin sa Revised Penal Code.

Halos ganito rin ang paniwala ni Se­nate President Franklin Drilon na nagsabing hindi puwedeng alisin ang libel sa online pero hindi sa  tradisyunal na media katulad ng print, radyo at telebisyon.

Nagpahayag naman ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng pagtutol sa anti-cybercrime law dahil isa umano itong pakikialam sa basic human right na “freedom of expression”.

Inihayag ni Recto na pinag-aaralan na ang isang panukalang batas kung saan bubuuin ang isang “Magna Carta for Philippine Internet Freedom” bagaman at aminado ang senador na isa itong mahabang usapin at “complex issue”.

Idinagdag ni Recto na kung ang mga senador ay may kalayaan na makapagpahayag sa kanilang mga privilege speeches na hindi ma­aring idemanda kahit pa anuman ang kanilang sabihin sa plenaryo, dapat ay may ganito ring kapangyarihan ang mga ordinaryong mamamayan na nagluklok sa mga senador sa kanilang posisyon.

AYON

DRILON

IDINAGDAG

INIHAYAG

MAGNA CARTA

PHILIPPINE INTERNET FREEDOM

REVISED PENAL CODE

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with