Peace and order tututukan ng bagong MPD chief
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Police District (MPD) Acting Director Chief Supt. Rolando Asuncion na tutukan niya ang peace and order sa lungsod bunsod na rin ng laganap na kriÂminalidad.
Sa ginanap na turn over ceremony kahapon sinabi ni Asuncion na mas dapat na doblehin ng kapulisan ang pagbibigay ng seguridad kung saan ang mga inoÂsenteng sibilyan ang kadalasang nagiging biktima.
Ayon kay Asuncion, paiigtingin niya ang police visibility dahil ito ang pantapat sa mga kriminal na patuloy na paghahasik ng kasamaan.
Bibigyan-pansin din ni Asuncion ang pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t ibang katiwalain na nagiging dahilan upang mawala ang tiwala ng publiko.
Dapat aniyang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis at magsilbing kaibigan na matatakbuhan anumang oras.
Ipagpapatuloy umano niya ang ‘one strike poÂlicy’ ay patuloy na isasagawa laban sa mga pulis na sangkot sa katiwalian.
- Latest