Harbor link segment 10 magpapaginhawa ng traffic sa Metro
MANILA, Philippines - Maiibsan ang matinding traffic sa Metro Manila particular sa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) dahil sa Harbor link segment 10 na mag-uugnay mula sa NLEX hanggang sa North Harbor.
Kahapon pinangunahan ng Pangilinan-led Manila North Tollways Corporation (MNTC), concessionaire ng 90 kilometer NLEX, ang ground breaking ceremony para sa pagsisimula ng construction ng Segment 10 ngayong Abril.
Ang Segment 10 na may P10.5 bilyon pondo ay kapapalooban ng 5.65 kilometer-4 lane elevated road na may 6 hanggang 10 talampakan ang taas na daan na magmumula sa McArthur highway sa Valenzuela City dadaan ng Tullahan river tatagos sa Karuhatan, Marulas at Potrero sa Malabon hanggang sa C-3 sa Caloocan papuntang North Harbor.
Sinabi ni Mr. Ramon Fernandez, President at CEO ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na bukod sa mag-eempleo ito sa 15,000 katao ay malaking pakinabang ito na madaanan ng mga truck at haulers na magmumula sa North Harbor papuntang Norte at vice versa.
Exempted din sa truck ban ang naturang segment.
Ang ground breaking ay isinagawa sa PNR data center sa Caloocan na dinaluhan nina DOTC Secretary Jun Abaya, DPWH Secretary Rogelio Sison, Caloocan Mayor Oca Malapitan, Valenzuela Mayor Rex GatchaÂlian, Malabon Mayor Tito Oreta, Valuenzuela Rep. Sherwyn Gatchalian, Caloocan Rep. Egay Erice, mga opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB), National HouÂsing Authority (NHA) Admin Chito Cruz at iba pang mga opisyal ng gobyerno.
- Latest