Saranggani, niyanig ng 4.0 magnitude na lindol
March 2, 2014 | 12:00am
MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Saranggani kahapon ng ala-1:22 ng hapon.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang sentro ng lindol na may layong 174 kilometro timog silangan ng Saranggani Davao Oriental at may lalim ng lupa na 104 kilometro.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng naturang pagyanig.
Wala namang naitalang pinsala sa mga tao at mga ari arian ang naturang lindol at wala ding naiulat na aftershocks.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended