Four-day workweek suportado
MANILA, Philippines - Suportado ni dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas ang panukalang magpatupad ng four-day workweek kasabay ng pagsisimula ng konsÂtruksiyon ng Skyway Stage 3 project at dalawa pang malalaking proyekto sa Metro Manila.
Ayon kay Arenas, ito’y upang mabawasan ang kalbaryong mararanasan ng mga commuter dahil na rin sa matinding traffic na idudulot ng mga nasabing proyekto.
Iginiit ng dating mambabatas na dapat suportahan ang anumang panukala na makakatulong para gumaan ang trapiko sa Metro Manila habang ginagawa ang mga nasabing proyekto.
“Lahat ng anggulo ay dapat nating silipin para makatulong sa pagpapagaan ng trapiko, lalo pa’t aabutin ng tatlong taon bago matapos ang mga nasabing proyekto,†dagdag pa ni Arenas.
Kasabay nito, nanawagan si Arenas sa mga taga-Metro Manila na habaan pa ang pasensiya dahil sa huli, taumbayan din ang makikinabang sa mga proyektong ito.
Sinabi ni Arenas na ang mga nasabing proyekto ay makatutulong din sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
“Sa tulong ng mga lansangan na ito, ma-eengganyo ang mga negosyante na mamuhunan sa ating bansa,†wika pa ng dating mambabatas.
- Latest