Adobo isinusulong sa Kamara bilang national food
MANILA, Philippines – Itinutulak ng isang mambabatas ang pagdeklara sa ulam na Adobo bilang pambansang ulam ng Pilipinas.
Bukod sa Adobo, iba’t ibang bagay ang nais ni Bohol First District Rep. Rene Relampagos na ideklara ng bansa bilang mga pambansang sagisag sa kanyang inihaing House Bill 3926 o ang "Philippine National Symbols Act of 2014."
SInabi ni Relampagos, na siya ring pinuno ng House committee on tourism, mahalaga na maideklara ang mga pambansang sagisag para sa kasaysayan at kulutra ng bansa.
"In the Philippines, there are around twenty national symbols being taught in school. However, of these symbols, only ten are official, that is with basis either in the Constitution, Republic Acts and Proclamations," banggit ni Relampagos.
"Rizal now becomes the unofficial national hero, carabao the unofficial national animal, mango the unofficial national fruit, bangus the unofficial fish, the baro't saya as the unofficial national costume and so on," dagdag niya.
Ilan pa sa mga nais maideklara ni Relampagos ang mga sumusunod:
- Jose Rizal - national hero
- Philippine Peso - national currency
- Great Seal - national seal
- Manila - national capital
- Malacañan Palace - national seat of government
- Filipino - national language
- Lupang Hinirang - national anthem
- Arnis - national martial arts and sport
- Cariñosa - national dance
- Philippine monkey-eating eagle - national bird
- Carabao - national animal
- Bangus - national fish
- Narra - national tree
- Philippine Pearl - national gem
- Sampaguita - national flower
- Anahaw - national leaf
- Mango - national fruit
- Adobo - national food
- Bakya - national slippers
- Bahay Kubo - national house
- Jeepney - national vehicle
- Bayan Ko - national song
- Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa - national motto
- Latest