Ordinansa sa ligtas na mga gusali sa QC niluluto
MANILA, Philippines - Niluluto ni Quezon City councilor Karl Castelo ang isang panukala upang masiguro na ligtas ang mga gusali sa siyudad para sa publiko.
Mapapabilang sa panukala ni Castelo ang paglalagay ng Certificate of Structural Soundness and Stability sa mga bulwagan ng mga gusali sa Quezon City upang malaman ng publiko na pasado sa safety standards ang mga ito. Ayon kay Castelo, kinakailangan na magpasertipika ng kaligtasan ang mga gusali sa siyudad partikular ang mga matatagal nang nakatayo dahil mas mataas ang posibilidad na mahina na ang mga ito at maaaring magdulot ng sakuna at pagkawala ng buhay.
Ani Castelo, mahalaga na masertipika ng mga eksperto mula sa pribado at gobyerno ang kaligtasan ng mga gusali sa Quezon City taun-taon dahil madalas dalawin ng lindol at bagyo ang bansa.
Paliwanag ni Castelo, “Hindi na dapat natin hinihintay na may bumagsak na gusali at may masawi kung may magagawa naman tayo upang maiwasan ang mga ito.â€
Kasalukuyan niyang pinaplantsa ang naturang ordinansa sa tulong ng mga eksperto sa nasabing usapin.
- Latest