^

Bansa

Pati no. 2 nagrereklamo: Mga pulis na hindi nagsusustento sa legal na misis, anak dumarami

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philip­pine National Police (PNP) dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kanilang mga kasamahan sa serbisyo na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga legal na pamilya.

Sa rekord ng PNP-Women and Children Protection Center, noong 2013 ay 542 mga pulis ang inireklamong nagpapabaya sa kanilang mga dependents na bumabagsak sa kategoryang ‘abandonment at non-support’.

Ang bilang ay mas mataas kumpara noong 2012 na nakapagtala lamang ng 327 mga pulis na pabaya sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Sr. Supt. Juanita Nebran, hepe ng Women and Children Protection Center, na hindi lamang galing sa mismong legal na misis at mga anak ang kanilang natatanggap.

Ayon sa opisyal pati mga kinalolokohang number 2 at kanilang mga supling ay humahangos rin sa kanilang mga opisina upang ireklamo ang paghinto ng sustento ng mga babaerong parak.

May mga kaso rin na nadadaan naman aniya sa magandang usapan kapag pinagharap ang inirereklamo at ang nag­rereklamo tulad ng ‘settle­ment’ o boluntaryong ibigay na lamang ng isinusumbong na pulis ang kanilang ATM sa kanilang mga misis.

Sa panig naman ni Supt. Lucio Rosaroso, ‘divine intervention’ at ka­ilangang maging maka­Diyos­ ang mga pulis upang mapatino ang mga ito at huwag mangaliwete sa kanilang mga misis.

Sa bisa na rin mismo ng memorandum na inisyu­ ni PNP Chief P/Director General Alan Purisima, ikakasa ng Chaplain Service ang pagsasagawa ng ‘pastoral visit’ sa lahat ng mga himpilan ng pulisya upang madaan sa konsensiya ang mga pulis na nagpapabaya sa kanilang mga pamilya.

 

CHAPLAIN SERVICE

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

JUANITA NEBRAN

KANILANG

LUCIO ROSAROSO

NATIONAL POLICE

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with