^

Bansa

Bagong plaka ng LTO kinontra ng transport groups

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutol ang transport sector sa plano ng Land Transportation Office (LTO) na palitan ng bagong plaka ang lahat ng uri ng  mga sasakyan sa bansa.

Sinabi ni Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, kailangan munang magkaroon ng public hearing o kunin ang pulso ng taumba­yan sa planong ito bago maipatupad.

Sa ilalim ng plate standardization program o pagpapalit ng uri at disenyo ng car plates ng mga private at passenger vehicles, gagastos ang isang car owner ng P450.00 para sa bagong plaka na nagtataglay ng 4 na number at tatlong letters.

Sa ilalim ng programa, tatlong klase lamang ng plaka ang ilalabas, ang isa ay para sa for-hire vehicles, isa para sa private vehicles at isa para sa motorcycles. P450.00 ang car plates para sa for hire vehicles at private vehicles at P150.00 sa motorcycles.

“Actually kami ang nag-proposed na palitan ang plaka ng sasakyan pero ang panukala namin sa passenger vehicles ay lalagyan sa ilalim ng ruta para taglay ang colorum at out of line violations at libre ito dapat pero kung ganyan, di kami payag diyan, kunin muna ng LTO ang pulso ng taumbayan diyan,” pahayag ni Martin.

Sinabi naman ni George San Mateo, pa­ngulo ng PISTON na kontra sila sa hakbang na ito ng LTO.

“Money making na naman yan ng LTO, resolbahin muna nila ang problema sa LTO sa kakulangan sa plaka at stickers bago ipatupad yan,” pahayag ni San Mateo.

Kinuwestyon din ng libong mga motorista kung bakit ipatutupad na agad ito ng LTO gayung hindi pa nalulutas ang malaking backlog sa car plates ng ahensiya na karamihan sa  mga bagong sasakyan ngayon na nakakarating sa mga kalsada ay pawang mga walang plaka kayat nagagamit ng sindikato ang mga sasakyan na walang plaka sa ibat ibang uri ng krimen gaya na lamang ng modus operandi ng riding-in-tandem na gamit ay mga motorsiklo na walang plaka.

vuukle comment

GEORGE SAN MATEO

KINUWESTYON

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OBET MARTIN

PASANG MASDA

PLAKA

SAN MATEO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with