Edsa sa Cebu idinepensa ng Palasyo
MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni PaÂngulong Aquino ang pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power revolution sa Cebu City.
Sinabi ng Pangulo, hindi lamang nakasentro sa Maynila ang pag-aaklas ng mamamayan noong Feb. 1986 kaya ang pagdiriwang ng EDSA sa Cebu ay hindi nangaÂngahulugan na binabago ang kasaysayan.
Wika ng Pangulo, kasabay ng imperial Manila ay naglunsad din ng pag-aaklas ang Cebu City gayundin ang Davao City laban sa diktaduryang Marcos noong 1986.
Aniya, ipinagdiwang ang diwa ng EDSA revolution sa Cebu upang kilalanin din ang naging kontribusyon ng Cebu sa pag-aaklas laban sa Marcos dictatorship.
Pero wala ang mga key players ng EDSA revolt tulad nina dating Pangulong Ramos, Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Gringo Honasan at daÂting Sen. Butch Aquino at puro proxy lamang ang gumanap sa Salubungan.
Tumayong si Ramos ang actor na si Dingdong Dantes, habang si Sen. Bam Aquino ang kumatawan naman kay Butch Aquino.
- Latest