Revenue collection ng BOC bagsak sa truck ban
MANILA, Philippines - Lumagapak umano ang revenue collections ng dalawang port operations ng Bureau of Customs (BOC) sa unang araw ng implementasyon ng truck ban sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Customs Commissioner John Sevilla, batay sa iniulat sa kaniya ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP), nasa apat na container vans lang ang nai-release nila sa MICP noong unang araw ng implementasyon ng truck ban habang zero naman o walang lumabas na container van sa POM mula sa average na lumalabas na 1,200 na naitala nitong Pebrero 1-21, 2014.
Dahil sa pagbaba ng bilang ng lumabas na container vans, mula sa P360 milyon kita ng MICP ay nakakolekta lamang ng P262.8 milyon o 27% habang P 134.4 milyon na lamang ang nakolekta ng POM mula sa dating P253 milyon kada araw o 47% na lamang.
Sinabi rin ni Sevila na nakipagpulong na rin sila sa kanilang mga apektadong stakeholÂders, kabilang ang Port Users Confederation, Asian Terminals, Inc. at International Container Terminal Services, Inc., na siyang nagpapatakbo sa operasyon ng POM at MICP.
Matatandaan na nitong Lunes ay nagpatupad ng truck ban ang Manila City government sa layuning paluwagin umano ang daloy ng trapiko at para na rin sa kaligtasan ng mga motorista na madalas nabibiktima ng malalaking sasakyan.
- Latest