^

Bansa

Roxas pinagbibitiw ni Revilla

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagre-resign sa puwesto ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas dahil sa dami umano ng atraso nito.

Ayon kay Revilla, hindi na siya dapat gamitin pa ni Roxas sa kanyang pagbangon at hindi niya kailangan ang awa nito.

“Sa dami ng atraso niya, dapat mag-resign na siya. Huwag na niya akong gamitin para bumangon sa lugmok niyang kalagayan…I don’t need his pity. If at all, ako nga naaawa sa kanya,” sabi ni Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na saksi ang buong bansa, kundi ang buong mundo sa mga kapalpakan ni Roxas.

Giit ng senador na gumagawa lamang ng paraan si Roxas para lituhin ang taumbayan at maibaling ang atensiyon sa ibang isyu.

Halos lahat anya ng mga departamentong hawakan ni Roxas ay nagkakaroon ng malaking problema.

“Kung mapapansin ninyo, ang mga hinawakan at hinahawakan na trabaho at Departamento ni Sec. Mar Roxas ay ang mga nagkaroon ng malalaking problema. He was proven to be ineffective in crisis management and disaster response in Yolanda. Kaya nga hindi na siya masikmura ng mga tao doon,” sabi ni Revilla.

Dahil sa palpak na paghawak umano ni Roxas sa Department of Transportation and Communication, hanggang ngayon ay may problema sa vehicle registration, issuance ng license plates, issuance ng drivers’ licenses, paglaganap ng mga colorum na sasak­yan, at palpak na serbisyo sa LRT at MRT.

Ipinaalala rin ni Revilla ang Atimonan Massacre na hanggang ngayon umano ay wala pang resolusyon.

ATIMONAN MASSACRE

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

MAR ROXAS

REVILLA

REVILLA JR.

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with