Mga lokal na magsasaka sinaklolohan ng OSG
MANILA, Philippines - Sinaklolohan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mga lokal na magsasaka sa bansa para bigyan ng ibayong proteksiyon hinggil sa usapin ng kalakalan ng bigas.
Inihayag ni Solicitor General Francis Jardeleza na hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin sa bansa ang tinatawag na quantitative restrictions sa bigas.
Ang OSG ang nagsisilbing tapagtanggol ng gobyerno sa mga batas at alituntunin na kinukuwestiyon ng mga sektor na nahahagip ng implementasyon ng mga ito.
Sa ilalim ng quantitative restrictions sa bigas na umiiral sa bansa, iniiwasan ng gobyerno na dumanas ng matinding pagkalugi ang mga magsasaka kumpara sa paglagda nito sa kasunduan na nagsasaad ng pag-angkat ng malaking kantidad ng bigas sa mga bansang nagsusuplay dito.
“I fully support the Quantitative Restrictions (QR’s). This is to protect the farmers,†pahayag ni Jardeleza.
Bilang bahagi ng pagsuporta sa QR, isiniwalat din ni Jardeleza na nagsampa na sila ng petisyon sa Korte Suprema para maibalik sa pangangalaga ng Bureau of Customs (BOC) ang bulto-bultong kantidad ng smuggled rice na nauna nang nasabat sa Davao City pero inako ng korte doon dahil sa mga usaping teknikal.
Sa panig naman ng Samahan ng mga Industriya sa Agrikultura (SINAG), naniniwala itong walang dapat na ikabahala ang bansa sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga lokal na magsasaka kumÂpara sa obligasyon na mag-angkat nang mag-angkat ng bigas dahil sa dinami-dami umano ng mga bansang lumalabag dito ay wala namang napaparusahan.
“Sinasabi nila na baka ma-sanction tayo rito ng World Trade Organization (WTO) pero hindi naman nila ikinukuwento kung ano ang mga bansang naÂngunguna sa paglabag sa mga kasunduan at wala rin silang sinasabing may naparusahan na,†pahayag ng SINAG.
- Latest