^

Bansa

PNP: Check-up kay Napoles tapos sa 1 araw lamang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pang magtungo ng itinuturong mastermind sa pork barrel scam na si Janet-Lim Napoles sa St. Luke’s Hospital upang magpasuri dahil kaya naman ng mga doktor ng Philippine National Police ito.

Sinabi ni Senior Inspector Michael Angelo Luna ngayong Lunes sa Makati Regional Trial Court Branch 150 na kayang gawin ng Camp Crame General Hospital ang transvaginal ultrasound (TVS) kay Napoles.

Dagdag niya na may sapat na pasilidad at kagamitan ang naturang hospital gayun din ang mga kinakailangang obstetrician at gynecologist.

Kaugnay na balita: Hospital arrest hiling ni Napoles

Nitong nakaraang linggo ay hiniling ng kampo ni Napoles na maisailalim sa hospital arrest ang negosyante dahil sa umano’y posibleeng ovarian tumor.

Sinabi pa ni Luna, ang pulis na doktor na nakatalaga para kay Napoles na nakakulong sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna, na kaya rin nilang awin ang iba’t ibang serye ng blood test tulad ng Prothrombin Time Bloodtest at Partial Thromboplastin Time bloodtest.

Aniya lahat ng ito ay kayang gawin sa loob lamang ng isang araw kaya naman walang dahilan si Napoles upang magpa-hospital arrest.

Nauna nang sinabi ng abogado ni Napoles na si Fay Isaguirre Singson na hindi ito kayang gawin ng PNP kaya nais nilang magtungo ng St. Luke's Hospital sa Bonifacio Global City sa Taguig City .

"These comprehensive examinations and medical procedures cannot be conducted inside the Fort Sto. Domingo, where accused is currently detained, for lack of facilities," pahayag ni Singson.

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMP CRAME GENERAL HOSPITAL

DOMINGO

FAY ISAGUIRRE SINGSON

FORT STO

HOSPITAL

JANET-LIM NAPOLES

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NAPOLES

PARTIAL THROMBOPLASTIN TIME

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with