Mapanganib na whitening kalat pa rin sa merkado
MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang benÂtahan ng mapanganib na produktong pampaputi na nagtataglay ng mercury, isang mataas na uri ng toxic chemical, sa mga Chinese drug stores sa Manila at internet.
Sa test-buy na ginawa ng EcoWaste Coalition nitong February 20, nagawang makabili ng grupo ng Erna Whitening Cream mula sa 10 Chinese drug stores sa Divisoria, Quiapo at Sta. Cruz, Manila.
Ang Erna Whitening Cream ay pina-ban na ng Food and Drugs Administration (FDA) noong November 20 na naglalaman ng mercury mas mataas sa maximum allowable limit na one part per million (ppm).
Ang produkto ay iniulat na iniangkat mula sa Indonesia at Malaysia at ibinibenta sa halaÂgang P60 at P80 bawat isa at mayroong maliit na puting plastic jar na may nakasaad na “Erna Whitening Creamâ€. Wala namang ibang impormasÂyong nakasaad sa product label nito.
Sa free online classified ads ay nago-offer ng Erna Whitening Cream sa mababang halaga na P10-18, depende sa kantidad ng gustong bilihin.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWast, nakikiusap sila sa mga may-ari ng Chinese drug store at online dealers na huwag balewalain ang batas at tigilan na ang pagbebenta nito.
Natukoy ang Mercury sa 12 samples na nagtataglay ng 2,948 ppm hanggang 1,400 ppm, o ang average na 6,847 ppm, base sa chemical screening na ginawa ng grupo gamit ang X-Ray Fluorescent device.
- Latest