Pagtulong sa mahihirap na bansa mapapadali na
MANILA, Philippines - Mapapadali na ang pagkuha ng ayudang pondo mula sa United Nations Green Climate Fund (GCF) ng mahihirap na bansang kasapi ng UN para sa mga programang panlaban sa climate change at ang mga perhuwisyong dulot nito.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, GCF co-chair sa pulong ng UN-GCF Board sa Bali, Indonesia, babalangkasin nila ang akmang sistema para madaling makakuha ng pondong tulong ang mga bansa batay sa kanilang kailangan kaugnay ng climate change.
Si Salceda ang kinatawan ng Southeast Asia at mahihirap na bansa sa GCF.
Tinalakay doon ang kahandaan ng mga bansa sa climate change.
“Ang totoo, ang mahihirap na bansa, gaya ng Pilipinas, ang matagal nang sinasalasa at nagdurusa sa pinsalang dulot ng climate change. Niluray ni Typhoon Yolanda ang Central Visayas nitong nakaraang taon kaya gumawa sila ng sarili nilang National Action Plans,†dagdag niya.
“Ngayon ay nasa kamay na ng GCF ang bola kaya kailaÂngan nitong gumawa agad ng kumprehensibong balangkas at pagkilos para matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na bansa,†ayon sa gubernador.
- Latest