Pinas pinakamurang puntahan ng mga turista
MANILA, Philippines - Umaasa ang Malacañang na madadagdagan pa ang mga turistang pupunta sa Pilipinas matapos manguna ang bansa sa listahan ng 10 na murang puntahan ngayong 2014.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, isang “good news†ang pangunguna ng Pilipinas sa listahan ng Huffington Post Travel 2014 na nagrerekomenda sa bansa sa mga turista.
“Good news yan talaga. We hope our inclusion in this particular top 10 will serve to draw more tourists to our shores,†pahayag ni Valte.
Ayon sa artikulo, dapat bisitahin ng mga “bargain hunters, outdoorsy types at mga food obsessed ang Pilipinas dahil sa kumbinasyon ng “cosmopolitan affordability†at “splendid nature†ng bansa.
Binanggit din sa artikulo na kamakailan ay tinukoy ng “Lonely Planet†ang Pilipinas bilang isa sa mga “top value destinations para sa 2014â€.
Base naman umano sa “Prices and Earnings report†ng CIO Wealth Management Research, nasa Maynila ang pinaka-murang shopping at upscale dining sa buong mundo.
Inihalimbawa sa ulat ang pagbili ng isang bagong damit o wardrobe na puwedeng makuha sa presyong $410 na pitong beses na mas mura kaysa sa kahalintulad na damit o wardrobe na mabibili sa Tokyo.
Ang average cost din umano ng isang three-course meal sa isang restaurant sa Maynila ay nagkakahalaga lamang ng $18, na higit na mas mababa kumpara sa $95 ng Geneva o Oslo.
Naniniwala si Valte na malaki ang maitutulong ng artikulo para dumagsa pa sa Pilipinas ang mga turista.
- Latest