^

Bansa

Cunanan isa na ring 'provisional' state witness sa pork scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang paglutang ni Ruby Tuason, ginawa na ring “provisional” state witness ang dating Technology Resource Center (TRC) deputy director general na si Dennis Cunanan para sa imbestigasyon ng bilyung-bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na nagbigay na ng salaysay si Cunanan ngayong Biyernes ng umaga na magagamit sa kanilang pagsisiyasat.

Tulad ni Tuason, isa rin si Cunanan sa mga nahaharap sa kasong administratibo sa Ombudsman dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa itinuturong nasa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Dagdag ni De Lima na itinuro ni Cunanan ang mga pekeng non-government organizations ni Napoles na tumatanggap ng mga livelihood at training projects ng TRC.

Idiniin din ng bagong state witness ang mga mambabatas na sina Senador Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at jinggoy Estrada.

"Sa unang pagkakataon, may mula sa implementing agency na sinasabing hindi totoo ang sinasabi ng tatlong senador," wika ni De Lima.

 

vuukle comment

BIYERNES

CUNANAN

DAGDAG

DE LIMA

DENNIS CUNANAN

JANET LIM-NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE SECRETARY LEILA

RUBY TUASON

SENADOR RAMON REVILLA JR.

TECHNOLOGY RESOURCE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with