HK nagbanta ng panibagong sanction vs Pinas
MANILA, Philippines - Nanganganib na patawan muli ng parusa ng Hong Kong government ang Pilipinas kung magpapatuloy sa pagmamatigas ang pamahalaan sa hindi paghingi ng paumanhin kaugnay sa naganap na Manila hostage crisis noong 2010.
Ito’y matapos na sabihin ni Hong Kong Chief ExeÂcutive Leung Chun-ying sa isang panayam ng South China Morning Post na kailangang magpakita pa ng sinseridad ang Pilipinas sa pagresolba sa usapin sa Manila hostage crisis.
Ang paghimok ni Leung sa Phl government ay upang maiwasan umano ang kasunod pang parusa na kanilang ipapataw laban sa Pilipinas.
Una nang pinatawan ng sanction ng HK government ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanggal ng 4-days visa-free entry para sa mga bibisitang Phl goÂvernment officials (blue at red passport holders) o diplomatic passport holders sa Hong Kong.
Nilinaw din ni Leung na kailanman ay hindi nagde-demand ang mga pamilya ng Hong Kong nationals na biktima ng hostage crisis upang personal na mag-apologize ang PaÂngulong Aquino.
Ipinaliwanag ng HK official na nais lamang ng pamilya ng mga biktima na marinig mula sa gobyerno ng Pilipinas ang paghingi ng paumanhin dahil sa kakulangan at kabiguan ng mga awtoridad na humawak sa rescue operations na naging dahilan ng pagkasawi ng walong turistang HK nationals sa hostage crisis.
Pinangangambahan na maapektuhan ang libu-libong household Filipino workers sa Hong Kong sakaling magpataw muli ng parusa ang HK government laban sa Pilipinas.
- Latest