Police investigators bawal ng magpa-interbyu sa media
MANILA, Philippines - Bawal ng magpa-interbyu sa media ang mga imbesÂtigador ng Philippine National Police kaugnay sa mga kasong kriminal na kanilang hinahawakan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Chief Supt Reuben Theodore Sindac, layon ng nasabing direktiba na hindi malagay sa alanganin ang mga follow-up operations ng pulisya sa isang krimen.
“Some of the investigators and other police personnel are pressured to release information that would unduly compromise ongoing investigation and police operations. So ang emphasis there should be no disclosure of investigation being conducted by the police,†pahayag ni Sindac.
Aminado naman ang opisyal na karamihan sa naturang mga kaso na nagkaroon ng samut saring opinyon ang publiko ay sanhi ng pagpapa-imbestiga ng mga imbestigador sa mediamen na nangyari sa Metro Manila.
Madalas dahil sa pagtatanong ng media sa imÂbestigador ay nakakapagbigay ito ng mga sensitibong impormasyon na nakakaapekto sa tinatakbo ng opeÂrasyon at minsan pa ay nakakapagbigay ng sariling kuro-kuro.
Dahil dito, tanging ang mga itatalagang spokesman ng kanilang mga opisyal ang maaaring ma-interbyu ng mediamen para makuha ang mga kinakailangang impormasyon sa isang kaso o krimen.
Iginiit naman ni Sindac na matagal na umano ang kautusang ito sa mga imbestigador pero dahil hindi nasusunod ay mas naghigpit si Purisima.
Ang sinumang imbestigador ng PNP na mahuhuÂling nagbibigay pa rin ng impormasyon sa media ay mahaharap sa kasong insubordination.
- Latest